Tikom

Sa dinami dami ng gustong sabihin

Kung kailang nandiyan ka na

Doon naman na blanko ang isip

Mga bagay na nais ipahiwatig

Nagmistulang letrang sinulat sa tubig

Bakit di naipahiwatig ang tamang salita

Patuloy lamang ang pagka balisa.

Gusto kong sabihing kakayanin mo yan

Gusto kong damayan ka sa iyong pagluha

Gusto kong malaman mo na masaya ako na kasama kita

Gusto ko ring sabihing nalulungkot ako dahil  di ito magtatagal

Na para lang itong isang panaginip

Na ngayo’y tapos na’t kailangang gumising.

Pero naging tikom ang bibig

Wala akong nasabi

Saka ko nalang mabibigkas

Pagkat salat na ang panahon

Saka nalang siguro

Baka mas mahaba ang oras,

Baka mas kaya ko na.

Baka hindi nako maging tikom.

 

 

 

 

Paalam muna. Hanggang sa muli.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s