Lipad

 

Lipad. Lumipad ka na.

Pinapakawalan kita mula sa iyong hawla.

Ikumpas mo ang iyong mga kamay

At batakin ang mga paa.

Lipad. Lumipad ka pa.

Lumangoy sa hangin

Magtampisaw sa ulap

Kumaway sa araw at buwan

Lipad. Lumipad ka.

Di kita pipigilan

Di rin kita papipiliin

Di kita pipiliting bumalik.

Lipad. Lumipad ka pa ng mas matayog.

Tatanawin kita, hanggang sa hindi na kita matanaw

Hanggang sa tanggap ko nang hindi na kita matatanaw kahit kailan

Wag ka nang lumingon, wag kang mag dalawang isip

Lumipad ka lang ng lumipad.

Kapag napagod ka, magpahinga ka sa lilim ng mga dahon

Kapag nasugatan ang yong mga pakpak, manatili ka muna sa isang matibay na sanga

Maghihilom ka rin, at makapagpapatuloy.

Lipad. Lumipad ka ng lumipad.

Maglayag ka sa ibabaw ng dagat at  sa ilalim ng mga bituin

Pakinggan mo ang huni ng amihan

Damhin mo ang yakap ng habagat

Lumipad ka lang.

Hanapin mo ang iyong layon,

Saksihan mo ang mundo,

Masdan mo ang ganda ng nilikha,

Akapin mo ang saya.

Lipad. Lumipad ka habang sariwa sa aking alaala

Ang mga oras na nandito ka sa tabi ko

At minamasdan ang iyong bighani.

Ang mga oras na parang ayaw na kita pakawalan,

Ngunit mas ninais kong masilayan ang iyong paglaya,

Ang iyong pagrating ng tuktok ng kaganapan.

Kaya Lumipad ka, Lumipad ka ng lumipad.

Pag naroon ka na, kayanin mong tanawin ang sa atin

Subukan mong bigyan ako ng iyong ngiti

Kahit di na tayo magka-abot,

Kahit malabo na ang paligid

Kahit di mo na maririnig ang aking taghoy

Masaya nako.

Masaya na kong masdan ka na malaya at masaya,

Kaya lumipad ka lang.

Lipad.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s