First Love

Sabi nila, there will be one person in your life who would always hold a special place in your heart, no matter how many years had passed.

Sa tingin ko, totoo yun.

In fact, it took me a lot of years to realize that. Truth is that I have loved this person ever since. Alam mo yun pagmamahal na walang kapalit, yung walang expectations. Yung simpleng saya na nadarama mo kapag nakikita, nakakasama, nakakausap, nakakakulitan o nakaka-chat mo siya. Yung masaya lang siya- masaya ka na rin, kahit malayo na siya o may gusto na siyang iba. Yung pag may chance na makita o makausap mo siya, tahimik mo nalang maiiisip na ‘wala lang, mahal lang kita’. Yung araw-araw mo siyang maaalala pero hindi magkakalakas ng loob na kausapin siya.

Minsan, parang sirang plaka na paulit-ulit na binibigkas ang salitang ‘paglimot’, pero lagi nalang nabibigong gawin ito. Siguro kasi hindi naman kailangan kalimutan ang nakaraan, kasi pwede namang ituring ito bilang isang magandang bahagi ng buhay. Minsan, pwede ring maging inspirasyon ng tula o kanta, o kaya ng isang random na blog entry na katulad nito.

Hindi pa kasi tamang panahon, o kaya hindi naman talaga para sa isa’t isa. Maraming dahilan kung bakit hindi natuloy o hindi na kailanman matutuloy. Mas okay nga bang ganito na lang, yung hanggang dito na lang ang istorya, at wag nang hayaan pang humigit pa doon ang sitwasyon? Okay na bang manatili na lang siyang isang mabuting kaibigan?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s