Abo

(A poem I wrote more than a year ago when I was at Boracay at nag eemote)

“Abo”

Marahang nag-isip,

Marahan ding iginilaw

Ang nangangatog na kamay.

Gamit ang panulat,

Ay ipinagtapat sa papel

Ang mga salitang

Nais bitawan.

Ang mga bagay at pangyayari,

Bawat alaala,

Lahat ng agam-agam

Na nagdudulot ng

Pagtangis

Sa pusong nais kumawala,

At isip na humahapdi,

Kasama na ang kalagayang

Nais limutin.

Nang mag-umpisang sumalat,

Sumisidhi ang kirot,

Ngunit nais pa ring tupdin

Ang hangaring gumaling

Mula sa sugat,

Na lumalim sanhi ng lumipas.

Nang matapos makapaglahad,

Ang alab ay nilapat,

Upang sa wakas ay maging

Abo ang mga salitang

Simbolo ng mga dinadalang

Nais ikubli sa apoy.

Narito ang katapusan

Ang pagbitiw.

Ang pagpapakawala

Sa akin,

Sa’yo,

At sa mga ito.

Paalam, mga abo.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s