Kahalingan

(Note: Hindi po to related sakin. Just inspired by what my friend is going through. HAHA)

 

Hangal na Kahalingan

Nakakainis.

Nakakasawa.

Nakakapagod din pala

Ang paghihintay sa wala.

 

Sadya kang mapusok

Mahina, at mapanghusga.

 

Ikaw ang dahilan ng

Luhang walang halaga.

Ikaw rin ang dahilan ng

Ulol na pag-asa.

 

Heto na naman ako at

Nagpapakatanga

Sa mga pangako mong

Hangin lang ang nagdadala.

 

Pilit isinantabi

Damdaming taglay

Pagkat ito sayo’y

 Hamak lamang at walang saysay.

 

Di ko alam kung ako

O ikaw ang sadyang lupaypay.

Ang batid ko lamang

Ay hangad kitang tunay.

 

Ngunit sa  tuluyang pagbabaon

Ng hibang na kahumalingan

Sa wakas ay makakapapahinga na

Ang hapong puso at isipan.

 

Hanggang sa muli,

Hangal na kahalingan.

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s