one of a kind experience: OJT and CCP Workshop

 

april 6, 2010…. nag aalala ako kung paano ko uuwi from CCP to Novalichez ng 10 pm, nag-aalala ako kung makakauwi ba ako ng maayos. for a month, 6 to 10pm ako sa CCP, noong una, naaabutan ko pa ang LRT at MRT 10:30pm na last trip. kumakaripas ng takbo pagtapos ng workshop para makasakay agad sa orange na shuttle/ jeep… para makaabot sa 10:30 na last trip. haha! at sa mga sumunod na weeks, hindi na ako umaabot sa last trip kaya nag jejeep nako papuntang EDSA, then BUS to SM North. Minsan 11:30pm nako nakakasakay ng BUS na papuntang Monumento. Kaya 12: 30 am to 1:30 am ang dating ko sa SM north kung saan dadaanan ako either ni Mommy o ni Daddy.

I really miss the excitement flowing through my veins. Pati yung feeling na taranta sa byahe all the way from Ortigas (OJT) to CCP  @ 5pm para di  ma-late sa workshop.

Hayy… namimiss ko agad ang lahat. Namimiss ko ang RUR. Ang mga co-workshopers na mga naging kaibigan ko na rin, sina Hannah (Bong), Ate Boogie (Baldo), Ate Hogi (Pepe), Ate Rich, Ate Len, Mark, Michael, Sir Rommel, Sir Dan, at Sir Doy. Pati ang aming facilitators/ directors namin na sina Ms. Tess and Sir J.K…. namimiss ko sila, namimiss ko ung saya… Akala ko ba magpa- Pansol, Laguna tayo guys?! 🙂 haha! Namiss ko ang pamilyang ito. Namimiss ko din ang mga activities. Natutuwa ako na marami kaming natutunan…Class reunion and party next week ha!!! 🙂

Thank you sa Artistang Artlets, sa mga season 29 seniors at officers ng 29 at 30, sa pagpapadala sakin sa workshop na ito at sa suporta. sobrang laking bagay nito para sa akin. Ang dami dami kong natutunan, na gusto ko din i-share sa inyo syempre. 🙂

Paz thank you sa pagsabay sakin sa pag-bu-bus ha… haha! salamat dahil nanjan ka para pagkwentuhan ng mga pangyayare sakin nung mejo down ako. ahahahaha!

Namimiss ko yung thrill sa katawan ko. Sa ngayon, masakit ang katawan ko, puro pasa nga ako e. Pero ang kapalit ng sakit sa katawan at sacrifice sa byahe, ay yung saya na dala nito at yung mga bagay na natutunan ko… masaya ako. masaya akong ipinagkaloob sa akin ni God ang one of a kind experience na to. Hindi lang tungkol sa theater ang natutunan ko kundi pati na rin ang mga mahahalagang lessons ng buhay. I learned to enjoy life, enjoy what I am doing, and enjoy theater.

Sabi ko sa sarili ko nung April 6, 2010, kahit mahihirapan ako sa biyahe at halos wala na akong magiging tulog sa gagawin ko, itutuloy ko pa rin. At hindi ko siya basta-basta palalampasin, tatapusin ko ito nang masasabi kong naging successful ako. Tatapusin ko ito nang masaya ako at maraming natutunan.

May 2, 2010… Recital… natapos na ang workshop. Salamat. Salamat po sa karanasang ito. I love you MRT. I love you LRT. I love you CCP. I love you AA. I love you RUR. I love you RPT class, batch ‘10.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s